120 tricycle, na-impound dahil sa paglabag sa guidelines vs COVID-19
By Sheila Lisondra - March 28, 2020 , 9:50 am

Nasa 120 tricycle units ang na-impound ng Land Transportation Office (LTO) at City Transport and Traffic Management Office (CTTMO) matapos bigong sumunod sa lokal na ordinansa ng Davao, na ipinatupad sa kasagsagan ng coronavirus pandemic.

Base sa inilabas na Executive Order ni City Mayor Inday Sara Duterte na ipinasa rin sa konseho, isang pasahero lamang ang pasasakayin sa bawat biyahe ng tricycle bilang pag-obserba ng social distancing.

Maliban dito, kailangan ring magsuot ng face mask ang mga driver at pasahero.

Una ng binisita ng mayor ang ilang mga lugar na may maraming complaint, na umano ay hindi napatupad ang guidelines laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Dagdag ng opisyal, natatakot siya na humantong sa punto na irekomenda na ng mga doctor ang pagpapatupad ng total lockdown sa Davao City dahil sa katigasan ng ulo ng mga Dabawenyo.

YOU MIGHT ALSO LIKE