2 Dabawenyong cacao farmers, kabilang sa 4 na Pilipinong magrerepresenta sa 2021 Int’l Cocoa Awards sa Paris, France
By Macel Mamon Dasalla | RP1 Davao - January 14, 2021 , 12:21 pm

Ikinatuwa ng Cacao industry sa Davao City ang pagkapanalo ng dalawang Dabawenyong cocoa farmers sa lungsod sa 2021 Philippine Cacao Quality Award (PCQA) kung saan kabilang ang mga ito sa apat na cacao farmers ng bansa na magrerepresenta sa International Cocoa Awards (ICA) ngayong October 2021 sa Salon du Chocolat sa Paris.

Sa kabuuang 23 cacao bean entries nationwide napili ang entry nila Arthur Lagoc ng Talandang, Tugbok District, Davao City at Solidad Robillo ng Gumalang, Baguio District nitong lungsod.

Ayon sa 2021 PVOA Organization Committee Chair Charita Puentespina, pasado sa ginawang evaluation at selection process ang cacao beans nila Lagoc at Robillo.

Dagdag ni Puentespina, layon ng naturang kumpetisyon na mapalakas pa ang awareness ng mga cocoa value chain sa bansa para magkaroon ng produksyon ng mataas na kalidad ng cocoa.

Kampante naman si Puentespina sa mga nanalong cocoa farmers na magrepresenta sa International Cocoa Awards dahil naniniwala ito sa unique at exceptional quality ng cocoa sa bansa.

Matatandaang noong 2017, napanalunan ng Puentespina Farms ang “Best 50 Beans in the World” habang noong 2019, nanalo naman si Jose Saguban sa pinakaunang Top 20 Best Cacao Beans Award sa Salon du Chocolat Paris.

YOU MIGHT ALSO LIKE