200 medical frontliners, nakatakdang unang mabakunahan sa araw ng vaccination roll out sa Davao City
By Maymay Benedicto | RP1 Davao - March 2, 2021 , 10:26 pm

Nasa 150 hanggang 200 na mga doktor, nurse at aides ng Southern Philippines Medical Center o SPMC ang nakatakdang mababakunahan sa vaccination roll out dito sa Davao City ngayong March 5.

Sa pahayag mula sa Davao City Information Office, mismo itong sinabi ni Southern Philippines Medical Center o SPMC Chief Dr. Ricardo Audan, kung saan ang bilang na ito ay kasama sa 5,900 na mga SPMC personnel na target na mabakunahan sa loob ng dalawang linggo.

Nagboluntaryo rin si Audan na unang mabakunahan para magsilbing modelo at maipakita sa publiko na ligtas ang bakuna.

Samantala, sinabi naman ni City Health Officer at City COVID-19 Task Force Focal Person Dr. Ashley Lopez na ang mga frontliners sa tertiary private hospitals ang susunod na paglalaanan ng unang batch ng Sinovac doses na dumating kanina dito sa Davao City.

YOU MIGHT ALSO LIKE