24 na kahon ng US-made warheads, na-recover ng PNP sa Claveria Cagayan
By Leo Sarne - January 14, 2021 , 5:30 pm

Na-recover ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group mula sa isang mangingisda sa Claveria, Cagayan, ang 24 na kahoy na kahon na naglalaman ng mga metal case ng mga US warhead.

Sa ulat ng PNP Explosive and Ordinance Division kay PNP Chief Police General Debold Sinas, ang mga laman na metal case ng kahon ay may marka na “2.75″ rockets warhead Model: M151, HE Fuze Model: M427.

Habang 17 naman sa 24 na kahon na na-recover, ay markado ng “inert, demo/practice warhead 2.75 inch rocket.”

Habang pitong kahon ay markado ng “HE – high explosive,” at ang mga metal case sa loob ng kahon ay may markang “20mm cartridge.”

Pero ayon sa EOD, ang lahat ng na-recover na items ay negatibo sa pampasabog o ano mang mapanganib na kemikal.

Teorya ng mga pulis, ang mga naturang item na kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP-Maritime Group, ay pinaglagyan ng mga armas na ginamit sa Joint PHL-US Balikatan simulation exercises o SIMEX.

Inaalam ngayon ng PNP-EOD, kung nagkaroon ng military exercise sa Claveria, at iniimbestigahan naman ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mangingisda na may dala ng mga naturang kahon sa kanyang bangka.

YOU MIGHT ALSO LIKE