25 na taga-Cotabato na na-stranded sa Cebu, nakauwi na
By Nitz Escarpe | RP1 Davao - May 28, 2020 , 7:13 pm

25 na residente ng Midsayap, Cotabato ang nakauwi mula sa pagka-lockdown sa Lalawigan ng Cebu. Ang mga nakauwing taga-Midsayap ay kinabibilangan ng 16 na lalaki at 9 na babae na mga miyembro sa relihiyosong sekta na Bagong Jerusalem. Dumalo sila sa Cebu Povince noong Marso sa malaking pagtitipon ng kanilang sekta, nang maabutan ng lockdown kontra COVID-19.

Ang kanilang pangarap na makauwi sa Midsayap ay nabuo sa tulong ng Sagip Stranded North Cotabatenios Tourism Sector na pinangungunahan ni Ms. Josephine Abellana at Local Government Unit (LGU) ng Midsayap.

Pagdating nila sa Lungsod ng Dapitan, sinundo sila ng mga sasakyan ng LGU ng Midsayap. Idiniretso sila sa isolation facility na nasa Barangay Anonang, Midsayap, Cotabato.

Ayon sa nurse ng pasilidad na si John Borja, kanilang sinusunod ang lahat ng alituntunin na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases.

YOU MIGHT ALSO LIKE