571 pamilya sa Rehiyon Onse apektado ng bagyong Auring
By Macel Mamon Dasalla | RP1 Davao - February 22, 2021 , 6:37 pm

Umabot sa 571 pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Auring sa Rehiyon Onse sa nakaraang araw.

Base sa ipinalabas na report ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) XI, 298 pamilya ang nasa mga evacuation center habang 80 naman ang nasa labas ng pasilidad.

Wala namang naiulat na nasirang mga kabahayan habang patuloy ang DSWD-XI sa pamamahagi ng tulong sa mga apektadong pamilya.

Sa kasalukuyan, dahan-dahan ng nagsiuwian ang mga apektadong pamilya sa kanilang mga tahanan.

YOU MIGHT ALSO LIKE