6-day-old na sanggol, pumanaw dahil sa COVID-19
By Shiela Lisondra - April 5, 2021 , 8:31 am

Naitala ng lokal na pamahalaan ng Santo Tomas sa Davao del Norte ang pinakabatang namatay dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Base sa report mula sa Santo Tomas Inter Agency Task Force, ang six-day-old na sanggol ang pinakabagong fatality ng nasabing bayan.

Napag-alaman na ang sanggol na siyang ika-177 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Sto. Tomas ay ipinanganak sa local birthing clinic ng kanyang 16-year-old na magulang mula sa Barangay New Katipunan.

Samantala, sinabi naman ng Santo Tomas IATF, karamihan sa mga naitalang kaso ay mula sa mga isinasagawang social at mass gatherings.

YOU MIGHT ALSO LIKE