72%-75% ng empleyado ng SPMC, handa na para sa vaccination rollout ngayong Biyernes
By Sheila Lisondra | RP1 Davao - March 3, 2021 , 9:58 am

Handa na ang 72 percent hanggang 75 percent ng kabuuang bilang ng mga empleyado sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) para sa COVID-19 vaccination na sisimulan ngayong Biyernes, March 5.

Ayon kay Dr. Ricardo Audan, OIC ng SPMC, marami sa 5,900 na mga empleyado ang nagpahayag ng interest na magpabakuna matapos ang isinagawang rollout sa UP Philippine General Hospital noong March 1.

Ngunit upang masiguro na hindi maaapektuhan ang operasyon ng pagamutan, limitado lamang muna sa 150 hanggang 200 empleyado kabilang na ang mga doctor, nurse, at lab aides sa loob ng dalawang linggo.

Umaasa naman ang opisyal na madaragdagan pa ang mga personahe na tatanggap ng bakuna lalo na kung sisimulan na ang vaccination program sa lungsod.

Una nang dumating sa Davao City ang 12,000 doses ng Sinovac kahapon na kasalukuyang nakalagay ngayon sa Department of Health.

YOU MIGHT ALSO LIKE