!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Balitang 70-K students sa Bicol ang di marunong bumasa, exaggerated
By Racquel Bayan - February 17, 2020 , 7:17 pm

Pinalilinaw ni Education Secretary Leonor Briones ang lumabas na balita, na nasa higit 70,000 estudyanteng Bikolano ang hindi marunong bumasa at sumulat.

Sa press briefing ng Laging Handa sa Malacañang, sinabi ni Secretary Briones, na hindi kasi tama na sabihin sa pangkalahatan na no read, no write ang elementary students sa Bicol region, lalo’t taon- taon ay mayroong ginagawang assessment ang Department of a Education (DepEd) sa mga mag-aaral sa buong bansa.

“Palagay ko ay kailangan i-clarify, ano ang ibig sabihin natin ng ‘cannot read.’ Kung no read, no write, hindi iyan tama. Dahil ito ay annual assessment na ginagawa ng Department of Education, tine-test kung iyong level ng comprehension nila kung level ng understanding nila ng kanilang binabasa ay appropriate to their grade. Hindi ibig sabihing illiterate.” —Secretary Briones.

Sinabi ng kalihim, na tila eksaherada ang balitang ito, lalo’t mayroong mga kategoriya ito, at magkaiba ang nakakabasa ngunit hindi lubos na nakakaintindi.

Pinaghalo rin aniya ang mga estudyante na nahihirapan sa wikang Filipino at Ingles.

Maituturing aniya, na insulto ang balitang ito para sa mga Bicolano, at dapat ay maging maingat sa pag-interpret ng mga numero at maging ng mga salita.

“At saka iyong number siguro na 70,000, medyo exaggerated iyan dahil hinalo iyong nahihirapan sa Filipino, nahihirapan sa English tapos umabot sa 70,000 kung saan iyon nanggagaling. So maging maingat lang tayo siguro sa ating pag-interpret nitong mga numero – not only numero, but words themselves. Not knowing how to read is different from being illiterate.” —Secretary Briones.

YOU MIGHT ALSO LIKE