Barangay health worker sa Matalam North Cotabato namatay ilang araw matapos mabakunahan
By Macel Mamon Dasalla - March 30, 2021 , 1:47 pm

Namatay ang isang barangay health worker sa Kibia, bayan ng Matalam sa Cotabato province ilang araw matapos itong maturukan ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Florelyn Salimbag, anak ng namatay na health worker, may hypertensyon ang kanyang ina at napansin nila ang pagbabago ng kanyang kundisyon matapos itong mabakunahan.

Samantala, nagpalabas naman ng statement ang tanggapan ni Cotabato Province Board Member Dr. Philbert Malaluan, ang COVID-19 PIATF Incident Commander na sinimulan na nila ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Emilie Salimbag.

Tiniyak din nito na magkaroon ng patas na imbestigasyon upang malaman ang totoong dahilan ng pagkamatay ng barangay health worker.

Nanawagan din si Malaluan sa publiko na huwag magpakalat ng fake news at alamin ang tamang impormasyon mula sa lehitimong source.

YOU MIGHT ALSO LIKE