!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
BARMM, aprubado ang pag-export ng buko mula sa rehiyon
By Armando Fenequito - September 9, 2019 , 10:41 am

Inaprubahan ng pamunuan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mungkahi ng Mindanao Development Authority (MinDA) na pag-export ng mga produktong niyog sa naturang rehiyon.

Sa isang pahayag, tinanggap ni BARMM Interim Chief Minister Ahod Murad Ebrahim, ang naturang proposal sa isang pulong kasama si MinDA Secretary Emmanuel Piñol noong Sabado (September 7,2019).

Ayon kay Ebrahim, malaking tulong ito para sa mga magsasaka ng niyog dahil sa napakamurang presyo ngayon ng copra sa merkado na nasa P14 kada kilo.

Irerekomenda umano ng opisyal ang naturang proposal sa BARMM Parliament, para mapagaan ang batas para sa pag-export ng mga buko mula sa iba’t ibang panig ng rehiyon.

Sa report ng MinDA, malaki ang demand ng buko ngayon sa China, Middle East, Europe at Estados Unidos, kung saan mas kikita ang mga magsasaka ng hanggang P40 kada kilo.

Mas madali  din ito sa mga magsasaka sapagkat lahat ng parte ay pwede ibenta, kaya hindi na nila kailangan pang buksan ito para kunin ang laman.

YOU MIGHT ALSO LIKE