Bayan ng Abuyog sa Leyte, ideneklara nang ASF-free
October 14, 2021 , 10:04 am

Ideneklara nang malinis at ligtas sa African Swine Fever ng Department of Agriculture ang bayan ng Abuyog sa Leyte.
 
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, mabilis na nalutas ang kaso ng ASF sa lugar dahil sa mahigpit na implementasyon ng Bantay sa Barangay  “BaBay” ASF program, pagtatalaga ng Barangay Biosecurity Officers, at ang malawakang disinfection.
 
Base sa datos,may 1,113 hog raisers mula sa 41 barangay ang naapektuhan ng ASF noon.

Huling nakapagtala ng kaso sa Abuyog ay noong Marso 15 2021.

Nangako ang DA na tutulong ito kasama ang Philippine Crop Insurance Corporation sa repopulation initiatives ng mga hog farmers.

YOU MIGHT ALSO LIKE