Bilang namamatay dahil sa COVID-19 sa Cebu City, bahagyang tumaas
By Angelie Tajapal - January 14, 2021 , 6:27 pm

Maliban sa pagtaas ng bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Cebu, ay nadagdagan rin ang bilang ng mga namamatay.

Ayon kay Cebu City Councilor at Emergency Operation Deputy Chief Implementer Joel Garganera, na mula noong January 1 hanggang 14 ngayong taon, walong katao na ang nadagdag sa listahan ng mga namatay dahil sa COVID-19.

Lima sa mga ito ay mga senior citizen, samantalang ang tatlo ay nasa 30 hanggang 40 taong gulang, at lahat ay mga immunocompromised.

Aniya, mas mataas umano ang nasabing bilang kumpara sa mga nagdaang buwan.

Tiniyak naman ng konsehal, na manageable pa rin ang COVID-19 situation sa lungsod sa kabila ng patuoloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Mas mababa pa rin umano sa itinakdang threshold ng World Health Organization ang positivity rate ng lungsod kada araw, dahil na rin sa dami ng isinasailalim sa testing kumpara sa bilang ng mga nagpopositibo.

Mabilis rin umano ang EOC sa pagsasagawa ng contact tracing, isolation at extraction ng EOC ng mga nagpositibong indibidwal.

Sa ngayon, batay sa pinakahuling tala ng Department of Health 7,460 na ang bilang ng mga aktibong kaso, samantalang nasa 698 na ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa Cebu City.

YOU MIGHT ALSO LIKE