Curfew at food and medicine pass, ili-lift na ng Davao City sa Lunes
By Maymay Benedicto | RP1 Davao - July 31, 2020 , 10:18 pm

Simula Lunes, August 3, i-lilift na ng Davao City Government ang pagpapatupad ng Curfew at Food and Medicine Pass system sa lungsod.

Ayon kay Mayor Inday Sara Duterte, magpapalabas ng Executive Order ang city hall ngayong Lunes para sa mga bagong panuntunan ng lungsod kaugnay ng COVID-19 pandemic.

Ipinaliwanag ng alkalde na nais nitong bigyang-diin ang disiplina at self-regulation sa mga Dabawenyo para sa pagpapabagal ng paglaganap ng COVID-19 sa lungsod.

Ayon sa kaniya, di sa lahat ng oras ay magbabantay ang pamahalaan sa galaw ng mga tao kaya nais niyang matuto ang mga Dabawenyo na mag-self-regulate sa pamamagitan ng unti-unting pag-luwag ng mga regulasyon sa kabila ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa lungsod.

Kabilang sa probisyon ng Executive order na ipapalabas ngayong Lunes ay ang pagpapahintulot ng mga misa at ibang church services sa Linggo.

YOU MIGHT ALSO LIKE