Curfew sa Davao City, pinaikli kasabay ng pagpapatupad ng GCQ
By Maymay Benedicto | RP1 Davao - November 21, 2020 , 7:40 am

Kasabay ng muling pagsailalim sa Davao City sa General Community Quarantine (GCQ), iniklian na din ang oras ng curfew sa lungsod simula kahapon.

Batay sa Exectuve Order 55-B, magsisimula na ang curfew sa lungsod alas-9 ng gabi hanggang sa alas-4 ng umaga.

Ayon kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte, layunin ng pagpapaikli ng curfew hours ang pagbibigay konsiderasyon sa mga business establishments na makapag-operate ng mas mahabang oras dahil kailangan nitong magbawas ng mga personahe batay sa IATF Guidelines on GCQ .

Alinsunod sa naturang guidelines, maraming mga establishments ang kailangang magbawas ng occupancy na mula 100%, magiging 50% to 75% na lang.

Samantala, nakahanda naman ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para sa pagbibigay ng groceries hindi lang para sa mga empleyado at apektado sa GCQ, kundi para na rin sa iba pang mga Dabawenyo na nangangailangan ng ayuda.

YOU MIGHT ALSO LIKE