DAR, namodmod ng relief goods sa mga magsasaka sa Nueva Ecija
By Rey Ferrer - May 28, 2020 , 5:25 am

Halos 3,000 magsasaka sa lalawigan ng Nueva Ecija ang katatapos lamang mabigyan ng ayuda ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ang tulong ng DAR ay suporta sa pangangailangan ng mga Agrarian Reform Beneficiaries habang ang bansa ay nasa ilalim ng community quarantine.

Ayon kay DAR Undersecretary for Support Services Office Atty. Emily Padilla, may 79 na lalawigan sa bansa ang asahang makakatanggap ng relief goods mula sa DAR para sa mga magsasaka .

Ang proyekto ng ahensiya ay nahahati sa apat na bahagi, una ay ang Support to ARBOs bilang frontliners sa food supply chain, pangalawa ay ang Farm Productivity Assistance to ARBs, pangatlo ay ang Livelihood Support for Women in Crisis Situation, at pang-apat ay ang Package of Supplemental Food and Non-Food Items.

Ang bayan ng Talavera sa Nueva Ecija ang unang nakatanggap ng relief goods dahil ito ang may pinakamaraming benepisyaryo ng agraryo.

Dagdag pa ni Padilla na may mga nakatakda nang petsa ang DAR upang bisitahin pa ang lahat ng farmer beneficiaries sa Nueva Ecija upang mabigyan ng tulong.

YOU MIGHT ALSO LIKE