!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Davao City, bubuo ng Inter-Agency Task Force para sa mga kababaihan
By Sheila Lisondra - August 12, 2019 , 12:59 pm

Nakatakdang bumuo ng inter-agency task force ang lungsod ng Davao na siyang mangunguna sa pagmonitor at paghuli sa mga lumalabag sa batas laban sa pang-aabuso sa mga kababaihan.

Ayon kay Konsehal Richlyn Justol-Baguilod, chairperson ng Committee on Women, Children and Family Affairs, kung pormal nang aprubahan ng konseho ng lungsod ang amendment ng Women Development Code ng Davao, mas maiiwasan na ang mga insidente ng pang-aabusong psychological, physical o sexual, at kahit ang mga pagbabanta pa lamang.

Itinutulak rin ng konsehal, na isali sa probisyon ang economic abuse laban sa kababaihan, at mahigpit na tututukan ang pagbabawal sa pag-imprinta, publication, display, pagpapakita at distribusyon ng mga pornographic material.

Magiging bahagi ng task force ang Philippine National Police (PNP), Business Bureau, Integrated Gender and Development Division, City Social Services and Development Office (CSSDO), at non-government organizations.

Maliban sa mga nabanggit, kapag naamyendahan na ang ordinansa, mandato na rin na magsagawa ng gender sensitivity training/seminar para sa Business Bureau personnel, at pagkakaroon ng Medico-Legal Desk for Women sa CSSDO, upang magbigay ng komprehensibong suporta sa mga kababaihan.

Ang 22 taong Women Development Code ay unang inaprubahan sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ito ay alkalde pa lamang sa lungsod ng Davao.

YOU MIGHT ALSO LIKE