!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Davao City, handa na para sa Sabayang Patak Kontra Polio
By Macel Mamon Dasalla - October 10, 2019 , 1:59 pm

Puspusan ngayon ang paghahanda ng Davao City government para sa una sa tatlong round ng Sabayang Patak Kontra Polio, na gaganapin ngayong October 14-27 sa buong Davao City.

Magkakaroon ng synchronized immunization ang Davao City Health Office (DCPO) sa lahat ng mga barangay health center at ganundin ang house-to-house visitation.

Maliban dito, maglalagay din ng vaccination satellite sa iilang private hospital sa lungsod kung saan maaaring magpabakuna nang walang bayad.

Maliban sa October 14-27, magkakaroon din ng pangalawa at ikatlong round ang Sabayang Patak Kontra Polio ngayong November 25-December 7, 2019 at January 6-18, 2020.

Dahil dito, hinimok ng pamahalaang lungsod ang lahat ng mga magulang na may anak limang taong gulang pababa, na makipagtulungan at pabakunahan ang kanilang anak laban sa Polio.

YOU MIGHT ALSO LIKE