!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Davao City, inihahanda na para sa enhanced Community quarantine
By Dang Sabdani-Jumala - April 1, 2020 , 5:44 pm

Sisiguruhin muna ng pamahalaang lungsod ng Davao na may Food and Medicine pass na ang lahat ng residente ng lungsod, naipamahagi na ang food packs at lahat ng kailangan gawin bago ipatupad ang enhanced community quarantine o ECQ.

Sa panayam kay Davao City Mayor Sara Duterte ng Disaster Radio, kanyang sinabi na layon ng paghahanda na maiwasan ang pag-panic ng publiko, dahil kapag nag-panic ang mga tao lalabas sila at magkakaroon na naman ng panibagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Inaasahan na matatapos ang pamamahagi ng rasyon sa gabi ng Miiyerkules o sa araw ng Huwebes.

Ginawang basehan ng siyudad sa pagdedeklara ng ECQ ang pahayag ng mga doktor, na marami pa rin ang hindi sumusunod sa control measures na inilatag ng lokal na pamahalaan partikular sa pananatili sa bahay, social distancing, at hindi pagsusuot ng face mask.

Ayon pa kay Mayor Sara, asahan na ng publiko na sa pagpapatupad ng ECQ limitado na ang kanilang kilos, dahil may mga barangay check point, police check points at Task Force Davao check points ang itatayo, upang masigurong wala ng makakalusot na pasaway.

YOU MIGHT ALSO LIKE