Davao City, inilagay sa “Low Risk” category ng IATF
By Maymay Benedicto | RP1 Davao - April 6, 2021 , 1:03 pm

Inilagay ng National Inter-Agency Task Force (IATF) ang Davao City sa ilalim ng klasipikasyong “Low Risk” area batay sa mababang Two-Week Growth Rate at Average Daily Attack Rate.

Ayon kay Davao City Health Officer at COVID-19 Task Force Focal Person Dr. Ashley Lopez, ang “Low Risk” classification na ipinakita sa Community Quarantine Decision Matrix ay bahagyang mas mataas kumpara sa “Minimal Risk” classification ng lungsod noong nakaraang linggo.

Aniya, ang Davao City ay may negative 8.74 na Two-Eeek Growth Rate na mababa pa rin, ngunit ang Average Attack Daily Rate ay umabot na ng isa kumpara sa .92 noong nakaraang linggo.

Sa kabila nito, sinabi ni Lopez na patuloy na sinisikap ng city government na mapanatili ang mababang kaso ng COVID-19 sa lungsod sa pamamagitan ng heightened surveillance and response ng City Health Office.

Sa kasalukuyan ay nasa 306 ang bilang ng active cases sa lungsod, batay sa data ng Department of Health Davao Region.

YOU MIGHT ALSO LIKE