Davao City Mayor, pinasuspinde ang pag-iisyu ng quarantine passes
By Nitz Escarpe - March 28, 2020 , 6:34 pm

Pinasuspinde ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pamimigay ng quarantine passes na ginagawa ng mga opisyal ng barangay, dahil nalilito rito ang mga tao.

Nanawagan ang alkalde sa mga opisyal ng barangay na maghintay sa mga panuntunan ng lokal na gobyerno para pag isahin ang pagpapatupad ng quarantine passes. Marami sa mga barangay leaders ang nag-isyu ng quarantine passes sa kani-kanilang barangay para maiwasan ang paglabas-labas at pagtitipon-tipon ng mga tao.

Sang-ayon naman ang alkalde sa pagpapatupad ng quarantine passes dahil nakokontrol nito ang galaw ng mga tao sa loob ng barangay. Kaya lang, iba iba ang guidelines at iba iba ang uri ng quarantine passes ang ini-isyu ng mga barangay na ikinalilito ng mga Dabawenyo. Kaya pinasuspendi ito ni Mayor Sara hanggang makapag-isyu ang pamahalaang syudad ng opisyal na kautusan para mapag-isa ang mga guidelines sa implementasyon ng quarantine passes.

YOU MIGHT ALSO LIKE