66% ng target population sa Davao City, nabakunahan na
By Mayet Cepeda - October 14, 2021 , 4:27 pm

Nasa 66 percent ng target population ng Davao city ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Sa ulat ni Dr. Michelle Schlosser ng COVID 19 task force, 792,932 individuals na ang nabigyan ng first dose habang nasa 600,000 ang fully vaccinated.

Kasabay nito, hinimok ng opisyal ang publiko na magpabakuna upang makamit ng bansa ang target na 15,000 daily vaccination.

Tiwala si Dr. Schlosser, na kayang abutin ng bansa ang herd immunity kung makikipagtulungan ang lahat.

Para sa Davao, target ng city government na mabakunahan ang 1.2 million para makamit ang herd immunity sa lungsod.

YOU MIGHT ALSO LIKE