!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
DCPO, pinawi ang takot ng Dabawenyos sa Davao Bunal Squad
By Dang Sabdani-Jumala - October 9, 2019 , 10:20 am

Muling tiniyak ng Davao City Police Office (DCPO), na patuloy ang kanilang pag-iimbestiga at profiling sa mga taong nasa likod ng “Davao Bunal Squad” na responsable umano sa pamamalo sa ilang residente sa Sasa.

Ayon kay Police Captain Nolan Tagsip, tagapagsalita ng DCPO, kanilang pinaigting ang pagpapatrolya sa lansangan upang matiyak ang kaligtasan ng mga Dabawenyo sa daan, lalo na tuwing dis-oras ng gabi.

Kamakailan ilang residente ang nagreklamo sa social media laban sa umano’y pamamalo sa kanila ng binansagang bunal squad, at ipinakita pa ang mga natamong pasa sa katawan.

Agad naman nagpadala ng karagdagang pwersa ang Police Regional Office (PRO XI), upang tumulong sa DCPO sa pagsawata sa mga pasimuno ng pamamalo.

Sinabi ni Tagsip, humupa na ngayon ang tensyon, matapos suyurin ng mga pulis ang mga lugar na posibleng target ng nasabing grupo.

Tatlong grupo ng mga gang ang tinututukan ngayon ng pulisya at posible umanong mabubuwag ng awtoridad sa darating na mga araw.

Mariin ding itinanggi ni Tagsip, na pulis ang may kagagawan sa pamamalo, kasabay ng pagsasabing maging ang kanilang kasamahan na nasangkot sa pagdidisiplina sa isang bata ay nadismis na sa serbisyo.

YOU MIGHT ALSO LIKE