DOH XI, nananawagan sa mga barangay na alalayan ang mga senior citizen na magparehistro para sa COVID-19 vaccination
By Armando Fenequito - April 5, 2021 , 9:23 am

Nanawagan ngayon ang Department of Health-XI sa lahat ng mga barangay officials na alalayan ang mga senior citizens na magparehistro para sa COVID-19 vaccination.

Sa panayam kay DOH XI Regional Director Dr. Annabelle Yumang na kailangan na tulungan ng bawat barangay ang mga matatanda lalo na yung mga hindi na makakalakad dala ng iniindang karamdaman.

Ayon kay Yumang, hangga’t maari ay magsagawa sila ng pagbabahay-bahay upang masiguro na masali ang mga matatandang nais maturukan ng COVID-19 vaccine.

Dagdag nito na kapag natapos ng bakunahan ang mga medical frontliners sa rehiyon ay agad sisimulan ang pagtuturok sa mga senior citizens.

YOU MIGHT ALSO LIKE