!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Electric coops, pinaghahanda na sa pagnipis ng kuryente sa tag-init
By Michael Rogas - February 17, 2020 , 7:42 pm

Maagang pinaghahanda ng National Electrification Administration (NEA) ang publiko kaugnay sa nagbabadyang brownout sa mga probinsya sa darating na tag-araw.

Sinabi ni NEA Administrator Edgardo Masongsong, normal umano ang kakapusan ng suplay ng kuryente kapag panahon ng tag-init, dahil nagkakaroon ng manipis na suplay nito dulot ng maraming consumer ang gumagamit.

Tinukoy ni Masongsong ang mga buwan ng Abril at Mayo, na umano ay makakaranas ng isa hanggang dalawang oras na rotational brownout.

Dahil dito, inaatasan niya ang mga electric cooperative na maghanap ng alternatibong paraan kung papaanong mababawasan ang oras ng mga mawawalan ng kuryebte.

Posibleng umabot hanggang red alert ang status ng kuryente sa malaking bahagi ng bansa, kung hindi umano magagawan ng paraan ng mga electric cooperative ang nagbabadyang manipis na suplay ng kuryente.

YOU MIGHT ALSO LIKE