!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Frontliners sa SPMC, pinaalalahanang sumunod sa protocol hinggil sa PPEs
By Nitz Escarpe - April 1, 2020 , 7:42 pm

Pina-alalahanan ni Southern Philippines Medical Center (SPMC) Chief of Hospital Dr. Leopoldo Vega, ang mga nagta-trabaho sa SPMC na tumalima sa protocol kaugnay sa pagsusuot ng wastong personal protective equipment (PPE), lalo na ngayong may local transmission o lokal na hawaan sa COVID-19. Kahit ang pasyente ay hindi kumpirmadong may COVID-19 at hindi pa ito nagpapakita ng sintomas ng virus, kailangang nakasuot ng wastong PPE ang mga empleyado.

Ayon kay Vega, kung ma-break kasi ng mga empleyado ng ospital ang protocol, maiba ang kanilang galaw at hindi nakasuot ng wastong attire at walang gloves, malaki talaga ang tsansang mahawaan sila ng karamdaman

Nagsisimula na ngayon ang management ng SPMC sa pag-test ng samples mula sa mga empleyado nito para masiguro na negatibo sila sa virus. Ito ay matapos makumpirmang lima sa mga healthcare frontlines nito ang nahawaan ng COVID-19. Bawat araw, nasa 50 na empleyado ang kinukunan ng samples para makatiyak na hindi sila mahawaan ng karamdaman at hindi makumpromiso ang pagbibigay ng serbisyong medikal

YOU MIGHT ALSO LIKE