!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Int’l Decommissioning Body: Tuloy-tuloy ang kapayapaan sa Mindanao
By Armando Fenequito - September 9, 2019 , 10:38 am

Tiwala ang Independent Decommissioning Body (IDB) na magtutuloy-tuloy na ang pagkamit ng kapayapaan hindi lang sa buong isla ng Mindanao kundi maging sa buong Pilipinas, sa pag-arangkada ng phase 2 ng decommissioning ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ito ang naging pahayag ni IDB Chairperson at Turkish Ambassador Fatih Ulusoy.

Ayon kay Ulusoy, nakikita nito ang sinseridad ng panig ng gobyerno ng Pilipinas at MILF, dahil sa kooperasyon na ipinapakita sa pagtupad ng kanilang mga napagkasunduan sa usaping pangkapayapaan.

Kinokonsidera umano ng IDB, na malaking tagumpay ang pagbibigay ng armas ng MILF sa kanila kung saan sinaksihan mismo ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao noong Sabado.

Pinangunahan ni Pangulong Duterte ang seremonya sa pagbibigay ng paunang socio-economic assistance ng gobyerno sa 1,060 na decommissioned MILF combatants.

Dagdag ni Ulusoy, na patuloy na babantayan ng mga bansang miyembro ng IDB ang decommissioning process upang masiguro na maayos itong maipapatupad.

Tiwala naman ito na sa 2022, ay matatapos na ang lahat ng proseso para tuluyan ng maipatupad ang kasunduang pangkapayapaan ng gobyerno at MILF.

YOU MIGHT ALSO LIKE