!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Kaso ng Salugpungan, hindi dapat magtapos sa closure order ng DepEd-Davao — militar 
By Dang Sabdani-Jumala | RP1 Davao - October 10, 2019 , 3:09 pm

Binigyang-diin ni Capt. Jerry Lamosa, hepe ng 10th Infantry Division-Public Affairs Office na hindi dapat magtapos sa closure order ang kaso ng Salugpungan Ta’tanu Igkanugon Community Learning Schools Inc., kundi, dapat matukoy din ang dapat managot sa mahahalagang oras na nawala sa mga estudyanteng IPs.

Kanila umanong tinitingnan kung may nalabag na karapatang-pantao ang Salugpungan, dahil, maliban sa komunistang kaisipan at paglaban sa gobyerno na itinuturo sa mga kabataang IPs, hindi pa angkop ang grade level o antas na kanilang naabot sa ilang taon na ginugol sa nasabing paaralan, kapag nalipat na sila sa Department of Education Schools (DepEd) schools.

Sinabi pa ng opisyal, bagama’t natuwa sila sa naging resulta ng imbestigasyon ng DepEd XI, dahil napatunayan na tama ang kanilang akusasyon laban sa Salugpungan, ang Indigenous Peoples (IPs) aniya, ang tunay na panalo dito.

Giit ni Lamosao, dahil sarado na ang operasyon ng eskuwelahan, matatamasa na ngayon ng mga tribu ang tamang sistema ng edukasyon, na matagal ding panahong ipinagdamot ng Salugpungan dahil, hindi naman naka-angkla sa curriculum ng DepEd ang mga itinuturo sa kanila.

YOU MIGHT ALSO LIKE