!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Konstruksiyon ng ilang imprastraktura sa Marawi, matatapos na ngayong taon
By Michael Rogas - February 17, 2020 , 3:38 pm

Target ng Task Force Bangon Marawi na matapos na sa Disyembre 2020 ang konstruksyon ng mga pampublikong imprastraktura sa Marawi City.

Sa 1st Anniversary ng Republic Act 11201 o ang batas na lumikha sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), sinabi ni DHSUD Secretary Eduardo del Rosario, nakumpleto na noong Nobyembre 2019 ang debris management sa mga lugar na matinding napinsala.

Aniya, nagawang makumpleto ang clearing activity sa loob lamang ng 12 buwan, kumpara sa inaasahan na matapos ito sa tatlong taon.

Prayoridad na maitayo sa lungsod ay mga palengke, dahil ang mga Maranaw ay kilalang mga mangangalakal.

Kabilang sa mga puntiryang matapos, ay ang 200 mga eskwelahan o mga silid-aralan, 24 na barangay halls na mayroong health center, 50-bed capacity na ospital at ang Peace Memorial Park.

Ang pangalawang prayoridad, ay pagtatayo ng Marawi City Police at Bureau of Fire Protection (BFP) headquarters.

YOU MIGHT ALSO LIKE