Mahigit 18 libong day care at kindergarten pupils sa Bukidnon, sasailalim sa milk feeding program
By Rey Ferrer - February 23, 2021 , 8:36 am

 
Tuloy na sa susunod na buwan ng Marso ang milk feeding program sa mga day care at kindergarten pupils sa piling munisipalidad sa Bukidnon.

Ang proyekto ay inisyatiba ng Department of Agriculture -Philippine Carabao Center at Central Mindanao University, Department of Education at Muleta Side Buffalo Association.

May kabuuang 18,507 kabataang mag-aaral mula sa 25 paaralan ang magbenepisyo sa 21-araw na milk feeding program.
 
Ayon sa DA, dapat naipatupad na ang School-Based Milk Feeding Program noong nakalipas na taon subalit hindi natuloy dahil sa pandemiya.

Photo by DA-Philippine Carabao Center

YOU MIGHT ALSO LIKE