Mandatory swabbing sa F1, F2, at F3 contacts ng COVID positive, iniutos ng Davao City Gov’t
By Maymay Benedicto - April 8, 2021 , 5:44 pm

Nagpalabas na ng kautusan ang Davao City Government, para sa mandatory swabbing ng mga close contact ng mga kumpirmadong COVID-19 positve

Batay sa Executive Order No. 20 Series of 2021, na nilagdaan ni City Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte, required ng isailalim sa RT-PCR testing ang lahat ng F1, F2 at F3 close contacts ng COVID positve.

Ayon kay Acting Mayor Baste, kailangang palawigin ang testing sa mga contact maliban sa F1 category, upang mas mapabilis ang pagkontrol sa transmission ng virus.

Sinabi rin nito, kailangang ma-recalibrate ang mga estratehiya upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod, lalo na ngayong may surge sa National Capital Region at ang pagsulpot ng mga bagong COVID-19 variants.

Simula ngayong araw, effective na ang naturang kautusan hanggang sa katapusan ng buwan ng December nitong taon.

YOU MIGHT ALSO LIKE