!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Martial Law sa Mindanao, epektibo kontra terorismo
By Leo Sarne - September 10, 2019 , 2:08 pm

Bagamat may ilang nakakalusot na nagsasagawa ng pambobomba sa Mindanao, sinabi ni PNP Spokesperson PBgen Bernard Banac na naging epektibo ang martial law kontra terorismo sa rehiyon.

Ang pahayag ni Banac, ay kasunod ng pagsabog sa Sultan Kudarat noong Sabadao, kung saan walo ang sugatan at panibagong pag-atake sa kampo ng militar sa Indanan, Sulu nitong linggo, kung saan patay ang isang suicide bomber.

Ayon kay Banac, posibleng mas marami pang pag-atake at pambobomba ang naisakatuparan ng mga terorista kung walang martial law.

Tinukoy pa ni Banac, na dahil sa martial law, bumaba ang crime incidents sa Mindanao at nakontrol ang pagkalat ng mga iligal na armas.

Sa kabila aniya ng mga insidente ng pambobomba nitong nagdaang linggo, masyado pang maaga para pag-usapan ang pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.

Ang mahalaga aniya sa ngayon ay paigtingin pa ang kanilang intelligence operations para mapigilan ang mga masasamang balak ng mga terorista.

YOU MIGHT ALSO LIKE