!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mataas na temperatura sa tubig, ugat ng fish kill sa Cebu
By Rey Ferrer - October 10, 2019 , 1:10 pm

Inihayag ng  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang mataas na temperatura sa tubig ang ugat ng  fish kill sa Cebu.

Ayon sa BFAR, may  700 kilo ng isda  ang  nangamatay sa isang palaisdaan sa Cebu City mula Huwebes kabilang na ang mga isdang bangus at tilapia.

Bigla na lamang naglutangan ang mga isda sa  palaisdaan sa  South Road Properties sa Cebu.

Bunga nito, ipinasuri na ng BFAR ang mga namatay na isda  upang makakuha ng posibleng iba pang dahilan ng pagkamatay ng maraming isdang tabang doon.

Bukod-tanging sa nabanggit na lugar lamang nangamatay ang mga isda, gayunman mino-monitor na din ng  BFAR ang kundisyon ng iba pang  palaisdaan.

Kalimitan nang nangyayari ang pagkamatay ng maraming isda sa mga katubigan dahil sa hindi makayanan ang temperatura sa isang lugar.

YOU MIGHT ALSO LIKE