!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mati City, dodoblehin ang pensyon ng mahihirap na matatanda sa lungsod
By Armando Fenequito - October 9, 2019 , 10:18 am

Dodoblehin ng pamahalaan ng Mati City sa Davao Oriental ang local social pension na ibibigay nito sa kanilang mga mahihirap na senior citizen sa susunod na taon.

Ito ang naging pahayag ni Mayor Michelle Rabat sa isinagawang senior citizens event kahapon.

Ayon kay Rabat, gagawin na niyang P2,000 ang social pension ng mga matatanda sa 2020, mula sa P1,000 na kasalukuyan nilang natatanggap.

Gagawin ding quarterly ang bigayan, kung saan makakatanggap ng P500 ang senior citizens kada tatlong buwan.

Nasa kabuuang 4,095 indigent senior citizens sa lungsod na hindi kasali sa mga benepisyaryo ng National Pensioners Fund, ang makikinabang sa dagdag pension sa susunod na taon.

YOU MIGHT ALSO LIKE