Botika sa Davao City, timbog dahil sa pagbenta ng overpriced na alcohol
By Armando Fenequito - March 28, 2020 , 10:01 am

Arestado ang may-ari ng isang botika sa Davao City sa isinagawang entrapment operation, Biyernes ng gabi, dahil sa pagbebenta ng overpriced na alcohol.

Kinilala ni Criminal Investigation and Detection Group-Davao City Field Unit (CIDG-DCFU) Chief Major Milgrace Driz ang suspek na si Joy Marie Escobillo Perez, 47 taong gulang, at residente ng Country Homes Cabantian sa lungsod.

Sa isang pahayag, sinabi ni Driz, na ikinasa nila ang naturang operasyon sa botika nito sa Mabini Boulevard, 6:15 PM ng March 27, matapos silang makatanggap ng impormasyon na overpriced ang ibinebenta nitong alcohol.

Ibinebenta di umano nila ang ang 4000ml ethyl alcohol sa halagang ₱980, habang ang 750ml isophropyl alcohol ay may presyong ₱400.

Kinumpiska ng awtoridad ang nasa 37 piraso ng 4000 ml na 70% Ethyl Alcohol, 44 na piraso ng 750 ml Isoprophyl alcohol, at ang pera na ginamit sa operasyon.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10623 o An Act Providing Protection to Consumers by Stabilizing the Prices of Basic Necessities and Prime Commodities and by Prescribing Measures Against Undue Price Increases During Emergency.

YOU MIGHT ALSO LIKE