Mayor Sara Duterte, nananawagan sa DOH para sa awareness campaign hinggil sa COVID-19 vaccine
By Sheila Lisondra | RP1 Davao - January 14, 2021 , 1:50 pm

Nananawagan si Davao City Mayor Sara Duterte sa Department of Health (DOH) na magsagawa ng awareness campaign hinggil sa COVID-19 vaccine.

Ayon sa alkalde, may ilang Dabawenyo pa rin umano ang nagdadalawang-isip na magpabakuna dahil sa takot sa posibleng epekto nito.

Kahit mandatory ang COVID-19 vaccine, hindi naman mandatory ang lahat na magpabakuna.

Sa pamamagitan umano ng information materials mula sa DOH ay matutulungan ang publiko na maintindihan ang kahalagahan ng bakuna.

Sinabi ni AstraZeneca Philippines Medical Affairs Director Dr. Cyril Tolosa na sa isinagawang special session ng 19th City Council na “well-tolerated” ang AZD1222 sa katawan ng tao at hindi makakaranas ng side effects ang karamihan sa mabakunahan nito.

Dagdag ng opisyal, kabilang sa posibleng side effects nito ay lagnat na maaari namang inuman ng gamot.

Una nang lumagda ng kontrata ang lokal na pamahalaan ng Davao at AstraZeneca para sa supply ng bakuna na nakatakdang dumating sa 3rd quarter ng taon.

YOU MIGHT ALSO LIKE