!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mercy flight pauwing Davao City noong May 21, 2 ang nagpositibo
By Nitz Escarpe | RP1 Davao - May 23, 2020 , 1:23 am

Sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, inaasahang ang mercy flight na nagpauwi ng 102 na Dabawenyo noong Huwebes, May 21 ay magdadala rin ng positibo sa COVID-19.  Pinasimunuan ng Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) ang naturang mercy flight para makauwi sa Davao City ang residente nito na na-stranded sa Metro Manila nang maabutan ng lockdown sa COVID-19. Katulad din aniya sa mercy flight noong May 12, kung saan 3 ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Mayor Sara, inaasahan na niya na pag mercy flight mula Metro Manila ay meron talagang magpopositibo sa COVID -19 dahil ang lugar na kanilang pinanggalingan ay maraming positibo sa virus.

Tulad ng inaasahan ng alkalde sa mercy flight noong May 21, dalawa ang bumagsak sa health screening at dinala sa Southern Philippines Medical  Center (SPMC).

YOU MIGHT ALSO LIKE