Mga brgy sa Taytay, tumatanggap na rin ng walk-in sa pagbabakuna
By Merry Ann Bastasa - October 13, 2021 , 7:43 pm

Pinapayagan na rin ang walk in para sa mga nais na magpabakuna sa mga barangay sa Taytay, Rizal.

Ayon kay Mayor Joric Gacular, bukod sa 1,200 walk-in slots na nakalaan sa mega vaccination site nito sa SM Taytay, ay mayroon na ring tatanggapin na 200 walk-ins kada barangay.

Bukas na ito sa lahat ng mga residente ng Taytay, na 18 taong gulang pataas kahit hindi bahagi ng A1-A4 priority sector.

Kailangan lamang umanong dalhin ang Taytay Trail QR Code at ID sa pagpasok sa barangay vaccination sites.

Paalala naman ng local government, first come, first served basis pa rin ang paiiraling sistema sa mga barangay at bawal ang magpareserba ng slots.

Hindi rin pinapayuhang tumuloy sa pag-walk in ang mga nakararanas ng sintomas ng COVID-19.

YOU MIGHT ALSO LIKE