Mga pamilyang sinalanta ni bagyong Maring na nasa mga evacuation centers, higit pa sa 700 ang bilang
By Rey Ferrer - October 14, 2021 , 11:41 am

Nananatili pa rin sa 58 evacuation center sa iba’t ibang rehiyon ang 762 pamilya o katumbas ng 2,536 katao na sinalanta ng nagdaang bagyong “Maring”.

Bahagi sila ng 2,137 pamilya o 7,842 indibidwal na naperwisyo ni “Maring” sa National Capital Region, Region II, at Cordillera Administrative Region.

Bagamat, nakalabas na ng bansa ang bagyo, nanatili pa ring activated ang Quick Response Teams ng DSWD sa mga affected regions at nakataas ang alert status.

Ito ay dahil nakikipagtulungan pa sa mga LGUs para asistihan ang mga nasalantang publiko.

Handa pa ang ahensiya na makapagpadala ng tulong sa mga LGUs para suportahan ang pangangailangan ng bawat mamamayan.

YOU MIGHT ALSO LIKE