Mga simbahan sa Davao City, di maaaring gamiting vaccination sites
By Sheila Lisondra | RP1 Davao - March 3, 2021 , 12:14 pm

Hindi umano maaaring gamitin ng pamahalaang lungsod ng Davao ang mga simbahan para maging COVID-19 vaccination sites sa lungsod.

Ayon kay City Health Office (CHO) Acting Head Dr. Ashley Lopez, ito ang utos ni Mayor Sara Duterte at sinabing mas mabuti na mga malalaking paaralan ang gagawing vaccination hubs dahil may mga gym umano ito na maaaring waiting area ng mga naghihintay para sa listing at screening area.

Una nang nagpahayag ang ilang religious groups na gawing vaccination hub ang kanilang pasilidad kabilang na ang Archdiocese of Davao.

Maliban sa gym, may mga classrooms rin na gagamitin para sa registration, counseling, health screening, at vaccination proper.

Samantala, inutusan naman ang lahat ng mga district centers na magkaroon ng tig-iisang vaccination sites sa kanilang area.

Nagpapatuloy pa rin ngayon ang paghahanap ng lokal na pamahalaan ng iba pang sites para sa COVID-19 immunization program sa lungsod.

YOU MIGHT ALSO LIKE