!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
MinDA, Papua New Guinea, lumagda sa trade partnership
By Armando Fenequito - September 9, 2019 , 11:30 am

Pormal ng nilagdaan ng Mindanao Development Authority (MinDA ) at Papua New Guinea ang isang Memorandum of Understanding (MOU) para pagtibayin ang investment at business partnership nito.

Sina MinDA Secretary Emmanuel Piñol at Papua New Guinea Central Province Governor Robert Agarobe, ang lumagda sa kasunduan na parte ng Mindanao Trade and Business mission noong nakaraang linggo.

Kabilang sa mga napagkasunduan ang partnership sa agriculture, shipping, at mining sectors.

Bukod sa pagpirma ng kasunduan, nagsagawa rin ito ng Investment Workshop at Business-to-Business Matching, kung saan iprinisenta ni Piñol sa mga negosyante ng naturang bansa, ang mga oportunidad na makapag-negosyo sa Mindanao.

Partikular na binanggit ng opisyal na pwedeng pasukin ng Papua New Guinea ang rice trading, processing at production, chicken poultry, timber products, at mining operations.

Ang naturang mission ay isa sa mga international roadshow ng MinDA para mai-promote ang economic potentials ng Mindanao sa pandaigdigang merkado.

YOU MIGHT ALSO LIKE