Molecular lab ng PNP sa Davao, binuksan na
By Leo Sarne - February 23, 2021 , 3:35 pm

Binuksan na kahapon ang molecular lab ng Philippine National Police (PNP) sa Regional Headquarters ng Police Regional Office (PRO) XI, sa Davao City, para sa pagsasagawa ng RT-PCR COVID-19 test sa mga pulis sa Mindanao.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to Covid-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, ang bagong testing center ay may kapasidad na magsagawa ng 170 pagsusuri araw-araw.

Unang nagsagawa ng dry-run ang pasilidad noong February 11, kung saan sa 34 na isinagawang pagsusuri isa ang nagpositibo.

Habang 84 na pagsusuri naman ang ginawa sa unang araw ng pormal na operasyon ng pasilidad kahapon, kung saan tatlo ang nagpositibo.

Nasa 85 tauhan ng PRO XI naman ang nakatakdang sumailalim sa pagsusuri ngayong araw na ito.

Ang pasilidad sa Davao ay isa sa apat ng RT-PCR testing centers ng PNP, kasama ang dalawang molecular lab sa Camp Crame at isa sa Cebu.

YOU MIGHT ALSO LIKE