NNC, naglabas ng guide para panatilihin ang wastong nutrisyon
By Nitz Escarpe - March 28, 2020 , 7:15 pm

Naglabas ng patnubay at gabay ang National Nutrition Council (NNC) Davao Region hinggil sa mga dapat gawin at ano ang dapat kainin para mananatiling makamit ang wastong nutrisyon kahit sa panahon ng community quarantine kontra COVID-19.

Ipinapayo ng NNC sa mga Dabawenyo na magtanim ng gulay at prutas sa tabi ng bahay. Ito ay magagawa habang mahigpit na ipinag-utos ng gobyerno na mamalagi sa bahay habang ipinatutupad ang community quarantine para maiwasan ang pagkalat at hawaan sa COVID-19.

Para manatili ang wastong nutrisyon sa panahon ng community quarantine, narito ang iba pang payo ng NNC: mag-imbak ng sapat na masustansyang pagkain. Uminom ng walo hanggang sampung basong tubig, piliin ang mga pagkaing mataas sa enerhiya at protina, iwasan ang mga maaalat, matatamis at matataba na pagkain, kumain ng limang servings ng gulay at prutas para sa sapat na bitamina at mineral kada araw at kung wala, gumamit ng de-latang gulay at prutas.

YOU MIGHT ALSO LIKE