!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
NPA, muling umatake sa Gumaca Quezon sa kabila ng ceasefire
By Leo Sarne - April 1, 2020 , 4:56 pm

Nasawi ang isang miyembro ng teroristang grupong New People’s Army (NPA), matapos na maka-engkwentro ang mga sundalo sa Brgy. Bungahan, Gumaca Quezon, kahapon.

Ayon kay Lieutenant Colonel Edward Canlas, Commanding Officer ng 59th Infantry Battalion ng Philippine Army, nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa presensya ng nasa 30 miyembro ng NPA sa Brgy. Bungahan.

Nang beripikahin nila ang impormasyon, natuklasan nila na halos isang kilometro lamang ang layo ng mga NPA sa komunidad, na naghahanda para mangikil sa mga residente ng nasabing baranggay.

Nang pigilan ng mga sundalo na makalapit sa mga residente ang mga NPA, ay dito nagkaroon ng sagupaan na nagresulta sa pagkasawi ng isang miyembro ng NPA.

Tiniyak ni Major General Arnulfo Marcelo Burgos Jr., Commander ng Army’s 2nd Infantry Division, na ginagawa nila ang lahat para maprotektahan ang komunidad hindi lang sa pangingikil ng mga NPA, kundi maging sa posibleng pagkahawa ng coronavirus disease (COVID-19).

Ang huling pag-atake ng NPA, ay sa kabila ng kanilang idineklarang tigil putukan, matapos na unang magdeklara ng unilateral ceasefire ang pamahalaan.

YOU MIGHT ALSO LIKE