Online celebration ng Araw ng Davao, magiging simple
By Sheila Lisondra | RP1 Davao - February 23, 2021 , 11:54 am

Muling aasahan ang online celebration ng Araw ng Davao 2021 dahil sa patuloy na banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte, magiging simple lamang ito kung saan ay ipapakita ang iba’t ibang kultura ng mga Dabawenyo.

Kung maalala, sinuspinde ang lahat ng aktibidad para sa Araw ng Davao sa nakaraang taon matapos naglabas ng memorandum ang Department of Health sa pagbabawal ng mass gathering dahil sa COVID-19 pandemic.

Base sa Republic Act No. 11379, idineklara ang March 1 na Special Non-Working Holiday sa Lungsod ng Davao kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Davao taliwas ito sa nakasanayan na March 16.

YOU MIGHT ALSO LIKE