Pagbibigay edukasyon kontra terorismo, paiigtingin sa Marawi City
By Armando Fenequito - August 13, 2019 , 4:04 pm

Mas paiigtingin ngayon ng pamahalaang lokal ng Marawi City ang pagbibigay edukasyon sa mga kabataan nito para hindi na maulit pa na makapangr-ecruit ang mga terorista mula sa kanilang mga kababayan.

Sa panayam kay Mayor Majul Gandamra, sinabi nito na nakikipagtulugan sila sa national government kasama na ang mga religious sector, sa pagbibigay impormasyon sa mga kabataan sa kanilang mga barangay kung ano ang masamang maidudulot ng pagsama sa mga grupong nais lang manggulo.

Paliwanag nito, na maraming kabataan ang nakuha ng ISIS inspired na Maute Terrorist Group dahil sa kapusukan ng mga damdamin nito.

Giit ni Gandamra, hindi na ito papayag na magamit ang kanyang mga kababayan para makapagahsik ng lagim sa pamamagitan ng terorismo.

Nanawagan din ito sa mga kababayan, na maging mapabuti at mapagmatiyag, lalo ngayon na may ulat na nakapasok na ang grupong ISIS sa bansa at ngayon ay nagsasagawa na ng recruitment dito.

YOU MIGHT ALSO LIKE