!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pagtanggap ng regalo, hindi masama basta walang bahid ng korapsyon – EastMinCom
By Dang Sabdani-Jumala - August 12, 2019 , 12:28 pm

Malinaw sa batas na bawal o iligal ang pagtanggap ng mga regalo ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno, at hindi exempted dito ang hanay ng mga sundalo.

Ngunit, sinabi ni Lt. Col. Ezra Balagtey tagapagsalita ng Eatmincom, hindi ibig sabihin nito na bawal na pati ang mga regalo galing sa mga personal na kakilala na wala namang kinalaman sa tungkulin ng isang sundalo.

Aniya, alam naman ng mga sundalo kung ano ang regalo na may bahid korapsyon at labag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, kaya dapat lagyan ng hangganan ang personal at mga regalong may hinihinging kapalit o pabor.

Tulad aniya ng mga ordinaryong tao, ang mga sundalo ay may mga kaibigan, pamilya, at mga kamag-anak na magbibigay sa kanila ng regalo na hindi aniya dapat maging isyu.

Katwiran pa ni Balagtey, malaki na rin ang sweldo ng mga sundalo, at hindi na kailangan pang tumanggap ng regalo, lalo na’t kung ang regalong ito ay may kaugnayan sa paggampan nila sa kanilang tungkulin.

Sumumpa aniya ang mga sundalo, na kanilang gagampanan ng buong puso ang kanilang tungkulin sa taumbayan at sa bansa, at hindi dahil may matatanggap silang regalo.

YOU MIGHT ALSO LIKE