Palasyo, nagpaabot ng pakikiramay sa mga nawalan ng mahal sa buhay sa bagyong Maring
By Alvin Baltazar - October 14, 2021 , 4:05 pm

Nakikiramay ang Malakanyang sa mga naiwang pamilya ng mga nasawi dahil sa bagyong Maring.

Sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi nitong nakikidalamhati ang Malakanyang sa mga nangamatay dahil sa bagyo na umaabot na sa 30.

Base sa datos na iprinisinta ni Roque mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 14 ang nawawala pa habang tatlo ang naiulat na sugatan. 

Nasa 1,775 mga pamilya ang kasalukuyang nasa mga evacuation center, na kumakatawan sa may 7,370 mga indibidwal na galing sa Regions 1, 2, 3 MIMAROPA, Region 6, CARAGA at CAR.

Naitala naman ang nasirang agrikultura sa mga nabanggit na rehiyon, na nasa 692,035,694.

Kaugnay nito ay may nakalaan naman aniyang quick response fund, na aabot sa P172 million calamity loan assistance program, habang mamamahagi sa mga apektado ang pamahalaan ng daan daang libong rice seeds, corn at vegetable seeds.

YOU MIGHT ALSO LIKE