!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pantay na budget para sa mga infrastructure projects, tiniyak ni Pangulong Duterte sa mga local officials
By Alvin Baltazar - August 13, 2019 , 3:42 pm

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging makatarungan ang gobyerno sa pagbibigay ng kaukulang pondo para sa proyektong imprastraktura ng mga nasa lokal na pamahalaan.

Inihayag ng Pangulo na magiging pantay-pantay ang pagkakahati ng pondo ng pamahalan para sa mga LGU.

Pero sabi ng Pangulo, ang Luzon at Visayas ang mauuna lang niyang bubuhusan ng mga proyekto at pagsapit ng bandang dulo ng kanyang termino ay dito niya ibubuhos ang mga infrastructure projects sa Kamindanawan.

Maaari rin daw dumulog ang mga local officials sa Department of Budget and Management (DBM) sa pangunguna ni OIC Wendel Avisado na isa aniyang manggagawa ng pamahalaan na marunong makinig.

Kamakalawa ay inaprubahan na ni Pangulong Duterte at ng gabinete ang nasa P4.1 trillion pesos proposed 2020 national budget na higit na mataas kaysa sa P3.757 trillion pesos na ginagamit ngayong taong ito.

YOU MIGHT ALSO LIKE