Power restoration sa mga lugar sa Surigao na dinaanan ni bagyong Auring, nagpapatuloy pa -NEA
By Rey Ferrer - February 23, 2021 , 8:04 am

Naibalik na ang suplay ng kuryente sa malawak na lugar sa Surigao del Norte na naapektuhan ni bagyong Auring.

Pero maraming lugar pa sa Surigao del Sur ang hindi pa tapos ang power restoration, ayon sa National Electrification Administration.

Kabilang dito ang bayan ng Carrascal, Cantilan, Madrid ,
Carmen, Lanuza, Cotes, Tandag City, Tago, San Miguel, Bayabas,
Cagwait, Marihatag, San Agustin at Lianga.

Hanggang kahapon ng hapon nasa 60% pa lang ang naibalik na suplay ng elektrisidad sa mga nabanggit na lugar.

Ayon sa NEA , malaking bahagi ng lalawigan ay nilubog ng tubig baha dahil kay bagyong Auring.

YOU MIGHT ALSO LIKE